Tuesday, April 11, 2006

miyerkules santo: half-day daw

half-day daw ngayon, kasi miyerkules santo.

dito sa opisina, kapag sinabi mong half-day, ang ibig sabihin nun ay alas-singko ng hapon ang uwi. kasi ang pangkaraniwang uwi naman namin dito ay alas-7, alas-8, masuwerte na kung alas-6 at masisilayan mo pa ng kaunti ang araw. pero kapag may mga kailangang tapusin at lahat ay nangangarag na, pinaka-maaga na ang alas-9 o alas-10. yun ay kung hindi kinakailangang matulog sa opisina. 

kaya kahit holiday pa sa karamihan ng mga opisina, at idineklara ng Malakanyang na walang pasok, kami minsan ay nagpapaka-dakila pa din sa pagpasok sa trabaho.

kunsabagay, sa trabaho naman namin ay walang itinalagang oras. hindi tulad ng striktong 9-5 na trabaho. sa isang banda ay ok naman yun, para sa akin, kasi hindi talaga ako mapakali kapag nakatali sa oras. pero, oo, minsan naman ay isang malaking dagok kapag hindi ako nakakatupad sa itina-takdang oras. 

sa kabilang banda naman, maganda din ang may oras na batayan. kumbaga, kung 9-5 ka lang, dapat ay 9-5 ka lang talaga. yan lang ang buhay mo para sa trabaho. pagkatapos ng alas-5, ibang bahagi ng buhay mo naman ang asikasuhin mo. tipong wala ka dapat bagahe ng trabaho kapag ikaw ay nasa ibang aspeto na ng buhay mo. 

pero ito naman talaga ang pinili ko. ang walang oras, walang pagkakatali sa mga itinatakda kong gagawin. pero suwail pa din ako. 

hindi totoong half-day ngayon. kitam. ala-una na nga ng hapon, bakit nandito pa din ako? 
 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home